|
||||||||
|
||
Binigyan ng positibong pagtasa ng mga dayuhang lider at eksperto na kalahok sa Ika-2 China International Import Expo (CIIE) ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng ekspo na idinaos kahapon, Martes, ika-5 ng Nobyembre 2019, sa Shanghai.
Sinabi ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, na tumukoy si Xi ng direksyon ng paggigiit ng Tsina sa pagbubukas sa labas. Ito aniya ay nagpapakita ng pangmalayuang pananaw ng lider at mga mamamayang Tsino.
Ipinahayag naman ni Ramon M. Lopez, Kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) ng Pilipinas, na ang Tsina ay bansang nangunguna pagdating sa usapin ng globalisasyong pang-ekonomiya. Ang bansa aniya ay may positibong atityud at tumatahak sa landas ng pagbubukas sa buong mundo.
Sinabi naman ni Bandar Ibrahim Alkhorayef, Ministro ng Industriya, Enerhiya, at Yaman ng Saudi Arabia, na ipinatalastas ni Xi ang mga hakbangin ng Tsina para sa ibayo pang pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, at makikinabang sa mga ito ang buong daigdig.
Ipinahayag naman ni Punong Ministro Andrew Holness ng Jamaica, na ang pagdaraos ng CIIE ay konkretong aksyon ng pagbubukas ng Tsina sa labas, at ipinakikita nito ang kahandaan ng Tsina na isakatuparan, kasama ng iba't ibang bansa ng daigdig, ang kasaganaan at kaunlaran.
Ipinalalagay naman ni Christopher Pissarides, Nobel Prize awardee at propesor ng London School of Economics and Political Science, na tulad ng sinabi ni Xi, malaki ang pamilihan ng Tsina at potensyal nito, at pinahahalagahan ng Tsina, hindi lamang ang pagluluwas, kundi rin ang pag-aangkat.
Sinabi naman ni Ichiro Kashitani, CEO ng Toyota Tsusho ng Hapon, na nag-iwan ng pinakamalalim na impresyon sa kanya ang pahayag ni Xi hinggil sa pagpapasulong ng malaya at bukas na kabuhayang pandaigdig.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |