Binuksan ngayong araw, Martes, ika-5 ng Nobyembre 2019, sa Shanghai, lunsod sa silangang Tsina, ang Ika-2 China International Import Expo (CIIE).
Bumigkas ng talumpati sa seremonya ng pagbubukas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Bingyang-diin niyang, ang globalisasyong pangkabuhayan ay tunguhin ng kasaysayan, at dapat pasulungin ito sa pamamagitan ng mas bukas na pakikitungo at mga hakbangin. Nanawagan siya sa iba't ibang bansa, na magkakasamang itatag ang bukas at kooperatibo, bukas at inobatibo, at bukas at pinagbabahaginang kabuhayang pandaigdig.
Sinabi rin ni Xi, na natupad na ang lahat ng mga hakbangin para sa pagpapataas ng lebel ng pagbubukas ng Tsina, na inilabas niya sa unang CIIE noong isang taon. Ipinatalastas pa niya ang limang bagong hakbangin sa aspektong ito, na gaya ng pagpapalawak ng pagbubukas ng pamilihan, pagkukumpleto ng balangkas ng pagbubukas, pagpapabuti ng kapaligirang pang-negosyo, pagpapalalim ng bilateral at multilateral na kooperasyon, at pagpapasulong ng pandaigdig na kooperasyon ng Belt and Road Initiative. Nakahanda ang Tsina, na magdulot ng mas maraming pagkakataong pangkaunlaran sa iba't ibang bansa, at magbigay ng walang humpay na ambag para sa pagbuo ng bukas na kabuhayang pandaigdig at pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, dagdag ni Xi.
Ang tema ng Ika-2 CIIE ay "Bagong Panahon, Pinagbabahaginang Kinabukasan." Nagtatanghal sa 6-araw na ekspo ang mahigit 3000 kompanya mula sa mahigit 150 bansa at rehiyon ng daigdig.
Salin: Liu Kai