Magkahiwalay na nakipag-usap nitong Lunes, ika-11 ng Nobyembre 2019, sa Athens, Greece, si dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kina Pangulong Prokopis Pavlopoulos at Punong Ministro Kyriakos Mitsotakis ng Greece.
Pagkaraan ng mga pag-uusap, inilabas ng dalawang bansa ang magkasanib na pahayag hinggil sa pagpapalakas ng komprehensibo at estratehikong partnership.
Ayon sa pahayag, palalakasin ng Tsina at Greece ang pagpapalagayan sa iba't ibang antas, at palalalimin ang pagtitiwalaang pulitikal. Pasusulungin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, at palalawakin ang saklaw ng bilateral na kalakalan at pamumuhunan. Pahihigpitin nila ang pagpapalitan sa iba't ibang aspektong kinabibilangan ng kultura at palakasan, at pagpapalitan ng mga mamamayan. Pag-iibayuhin din ng Tsina at Greece ang koordinasyon sa pagpapasulong ng kooperasyong Sino-Europeo, at pangangalaga sa multilateralismo.
Nang araw ring iyon, sinaksihan din nina Pangulong Xi at Punong Ministro Mitsotakis ang paglalagda sa mga kasunduang pangkooperasyon ng Tsina at Greece sa pamumuhunan, pinansyo, enerhiya, edukasyon, at ibang mga aspekto.
Salin: Liu Kai