Athens, Greece—Nag-usap nitong Lunes, Nobyembre 11, 2019 sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Prokopis Pavlopoulos ng Greece. Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng kapuwa panig na patitibayin ang pagtitiwalaang pulitikal, palalalimin ang pragmatikong kooperasyon, pasusulungin ang diyalogong pansibilisasyon, at patitingkarin ang katalinuhan ng mga sinaunang sibilisadong bansang kanluranin at silanganin, para sa pagtatatag ng community with a shared future for mankind.
Salin: Vera