Idinaos Nobyembre 19, 2019, sa Beijing, ang Round table meeting ng mga negosyante ng Tsina at Amerika, na nilahukan ng mahigit 70 tao.
Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Guo Yezhou, Pangalawang Puno ng International Department, Central Committee ng Partidong Komunista ng Tina (CPC), na sa mula't mula pa'y, ang kooperasyon ay nagdudulot ng win-win situation para sa kapuwang Tsina at Amerika. Dapat isakatuparan ng mga negosyante ng dalawang bansa ang responsibilidad para magkasamang pabutihin ang kabuhayang pandaigdig.
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga kalahok na malawak ang espasyo ng kooperasyong Sino-Amerikano sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan. Dapat magkasamang pasulungin ng iba't ibang panig ang mabuting pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa para mapangalagaan ang benepisyo ng mga mamamayan ng Tsina at Amerika.
Magkakasamang itinaguyod ang naturang round table ng China Economic Cooperation Centre ng Tsina at EastWest Institute ng Amerika, na may tema ng "Pagbubukas, Inobasyon, at pinagbabahaginang kinabukasan: Pagkakataon at Hamon ng Kooperasyon Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa Bagong Panahon."
Salin:Sarah