Bilang tugon sa isinusulong na panukulang batas ng Kongresong Amerikano at pananalita ng Unyong Europeo (EU) tungkol sa Hong Kong, inulit nitong Miyerkules, Nobyembre 13, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon sa Beijing, na ang Hong Kong ay nabibilang sa Tsina, at ang suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina. Aniya, walang karapatan ang kahit anong dayuhang pamahalaan, organisasyon at indibiduwal na manghimasok sa mga suliranin ng Hong Kong.
Nang sagutin niya ang kaukulang tanong ng mamamahayag, tinukoy ni Geng na ang kasalukuyang kinakaharap na problema ng Hong Kong ay pagpapatigil sa karahasan, pagpigil sa kaguluhan, pagpapanumbalik ng kaayusan, at pangangalaga sa pagpapatupad alinsunod sa batas sa halip ng umano'y isyu ng karapatang pantao at demokrasya.
Salin: Li Feng