Ipinatawag Nobyembre 20, 2019, ni Pangalawang Ministrong Panlabas Ma Zhaoxu ng Tsina, si William Klein, acting charge d'affaires ng embahadang Amerikano. Mahigpit na kinondena at tinutulan ang pagpapatibay ng senado ng Amerika ng Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019.
Tinukoy ni Ma na ang Hong Kong ay Hong Kong ng Tsina, ang mga suliranin nito ay mga suliraning panloob ng Tsina, at walang anumang puwersang panlabas ang may kapangyarihang makialam dito. Ang aksyon ng Amerika ay matinding lumabag sa batas na pandaigdig at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, at buong tatag na tinututulan ito ng Tsina. Mahigpit na hinimok ng Tsina ang Amerika na agarang bawiin ang bisa ng naturang batas, at agarang itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong at suliraning panloob ng Tsina. Kung hindi, isasagawa ng Tsina ang malakas na hakabangin.
Binigyan-diin ni Ma na buong tatag ang kapasiyahan ng pamahalaang Tsino sa pangangalaga ng soberanya, kaligtasan at pag-unlad ng bansa. Tiyak na mabibigo ang anumang pagtatangka ng Amerika na sirain ang katatagan ng Hong Kong at pag-unlad ng Tsina. '
Salin:Sarah