Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Isyu ng Hong Kong, pinag-usapan ng Embahador ng Tsina sa Britanya at Ministrong Panlabas ng Britanya

(GMT+08:00) 2019-11-21 14:47:16       CRI

Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Miyerkules, Nobyembre 20 (local time), 2019 kay Dominic Raab, Ministrong Panlabas ng Britanya, ipinahayag ni Liu Xiaoming, Embahador ng Tsina sa Britanya, ang buong tinding kawalang-kasiyahan at mariing pagtutol sa maraming beses na pagpapalabas kamakailan ng pamahalaang Britaniko ng maling pananalita tungkol sa isyu ng Hong Kong.

Tinukoy ni Liu na ang substansya ng kasalukuyang kaganapan sa Hong Kong ay hindi umano'y isyu ng "demokrasya at kalayaan" na pinupukaw ng ilang politiko at mediang Kanluranin. Aniya, grabeng lumalapastangan ang mga radikal at marahas na demonstrador sa batas at kaayusang panlipunan, at grabeng nakakasira sa kasaganaan at katatagan ng Hong Kong. Ito ay lantarang gawain ng ekstrimista at marahas na uri ng krimen, dagdag niya.

Hinihiling din niya sa panig Britaniko na agarang itigil ang anumang pananalita at kilos na nakikipagsabwatan sa marahas na krimen, at agarang itigil ang panghihimasok sa mga suliranin ng Hong Kong at suliraning panloob ng Tsina sa anumang porma.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>