Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing nitong Biyernes, Nobyembre 22, 2019 kay Kristalina Georgieva, Managing Director ng International Monetary Fund (IMF), ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, ang pag-asa ng panig Tsino na patuloy na mapapalalim ang pakikipagkooperasyon sa IMF para magkakasamang harapin ang presyur ng pagbaba ng pandaigdigang kabuhayan at kalakalan at mapalakas ang puwersa ng pag-unlad.
Ipinahayag naman ni Georgieva na hinahangaan ng IMF ang mga isinasagawang hakbangin ng Tsina na gaya ng ibayo pang pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas, at pangangalaga sa multilateralismo. Nakahanda aniya ang IMF na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa iba't-ibang larangan para magkasamang mapasulong ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng