Noong ika-26 ng Setyembre, 2018, kinatagpo si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina ni Christine Lagarde, Managing Director ng International Monetary Fund (IMF).
Ipinahayag ni Wang na ang Tsina at IMF ay mayroong pangmatagalan at pangkaibigang relasyon. Pinapupurihan aniya ng Tsina ang mahalagang papel ng IMF para sa pagpapasulong ng matatag na paglaki ng kabuhayan ng daigdig at pagpapahigpit ng kooperasyong pandaigdig. Sa kasalukuyan, hihinimok aniya ng Tsina ang komunidad ng daigdig na kumatig sa mutilateralismo.
Ipinahayag naman ni Lagarde na ang layunin ng IMF ay pagkatig sa mutilateralismo at kalakalang pandaigdig. Sa kasalukuyan, dapat aniyang patuloy na pangalagaan ang multilateral na sistemang pangkalakalan. Nakahanda aniya ang IMF na patuloy na magpahigpit ng pakikipagkooperasyon sa Tsina.
salin:Lele