Martes ng umaga, Nobyembre 26, 2019, nag-usap sa telepono sina Liu He, Pangalawang Premyer ng Tsina at namamahalang tauhan ng panig Tsino sa diyalogong pangkabuhayan ng Tsina at Amerika, Trade Representative Robert Lighthizer at Kalihim Steven Mnuchin ng Tesorarya ng Amerika. Tinalakay ng magkabilang panig ang hinggil sa pagresolba sa mga nukleong isyung kapuwa nila pinahahalagahan, at narating ang komong palagay sa mainam na paglutas sa mga kaukulang isyu. Sang-ayon din nilang panatilihin ang pag-uugnayan sa mga natitirang suliranin ng konsultasyon sa unang yugto ng kasunduan.
Salin: Vera