Sa regular na preskong idinaos sa Beijing Martes, Oktubre 15, 2019, ipinahayag ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kasunduang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay may napakahalagang katuturan. Ito aniya ay nakakabuti hindi lamang sa Tsina at Amerika, kundi sa buong daigdig.
Idinaos kamakailan sa Washington D.C. ang ika-13 round ng Sino-American trade talks. Ipinahayag ng panig Amerikano na nagkaroon ang dalawang panig ng substansyal na kasunduan sa unang yugto. Ipinahayag naman ng panig Tsino na natamo ng dalawang panig ang ilang substansyal na progreso sa ilang larangan.
Salin: Lito