Bilang tugon sa pagsasabatas ng panig Amerikano sa Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019, ipinahayag sa Beijing nitong Huwebes, Nobyembre 28, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang aksyong ito ng panig Amerikano ay grabeng nanghihimasok sa suliranin ng Hong Kong, at sa suliraning panloob ng Tsina. Ito aniya ay malubhang lumalabag sa pundamental na norma ng pandaigdigang batas at relasyong pandaigdig na nagiging walang galang na hegemonya. Buong tindi itong tinututulan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, at iniharap na ng panig Tsino ang solemnang representasyon at mariing protesta sa panig Amerikano hinggil sa usaping ito, ani Geng.
Ipinagdiinan pa ni Geng na pormal na ipinag-alam ng Tsina sa Amerika na ang Hong Kong ay magpakailanmang nabibilang sa Tsina, at ang mga suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina. Aniya, walang karapatan ang anumang dayuhang pamahalaan at puwersa na manghimasok dito. Pinapayuhan ng panig Tsino ang panig Amerikano na huwag kumilos alinsunod sa sariling kagustuhan, kung hindi, isasagawa ng panig Tsino ang katugong ganting aksyon at dapat isabalikat ng panig Amerikano ang lahat ng resultang dulot nito, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng