|
||||||||
|
||
Ipinalabas Martes, Nobyembre 26, 2019 ng China Society for Human Rights Studies (CSHRS) ang artikulong pinamagatang "Grabeng nakakahadlang ang umiiral na diskriminasyon sa kasarian sa pagsasakatuparan ng karapatang pantao ng mga kababaihan ng Amerika" kung saan ibinunyag ang nakabinbin na pag-aproba ng Amerika sa "Optional Protocol to the Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination against Women" — nukleong kasunduan ng karapatang pantao ng United Nations (UN). Anito, lumalala nang lumalala ang umiiral na problema ng diskriminasyon sa kasarian sa lipunang Amerikano, bagay na matinding humahadlang sa pagsasakatuparan ng karapatang pantao ng mga kababaihan ng bansang ito.
Tinukoy ng artikulo na ang diskriminasyon sa kasarian ay isang malubhang problema sa lipunang Amerikano. Sa mahabang panahon, nagtiis ang mga kababaihang Amerikano sa sistematiko at malawakang diskriminasyon. Ipinakikita ang mga ito sa mga aspektong gaya ng di-pagkakapantay-pantay sa kasarian sa larangang pangkabuhayan, pagtiis ng mga kababaihan sa mga marahas na kilos, at di-sapat na garantiya sa karapatan ng kalusugan ng mga kababaihan.
Ipinagdiinan din ng artikulo na nitong mga taong nakalipas, may double-standard ang Amerika sa isyu ng karapatang pantao. Sa mula't mula pa'y ginagamit ng Amerika ang karapatang pantao bilang kagamitan ng hegemonyang pulitikal sa pagbatikos at panghihimasok sa ibang bansa. Ngunit pumipikit ito ng mata sa malubhang problema ng karapatang pantao nito na kinabibilangan ng diskriminasyon sa kasarian. Ang mga ginagawa ng Amerika ay hindi lamang taliwas sa komong opinion ng sangkatauhan sa karapatan pantao, kundi nagiging panggulo ito sa larangan ng karapatang pantao sa daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |