Ayon sa taunang Sentral na Pulong sa Gawaing Pangkabuhayan ng Tsina na ipininid kahapon, Huwebes, ika-12 ng Disyembre 2019, sa susunod na taon, ibayo pang palalawakin at palalalimin ng bansa ang pagbubukas sa labas.
Ayon pa rin sa pulong, ang mga pangunahing tungkulin sa aspektong ito ay kinabibilangan ng ibayo pang pagpapasulong at pangangalaga sa pamumuhunang dayuhan, patuloy na pagpapaikli ng negative list para sa pamumuhunang dayuhan, pagpapanatili ng matatag na paglaki ng kalakalang panlabas, pagpapalawak ng paggamit ng puhunang dayuhan, pagpapababa ng pangkalahatang lebel ng taripa, pagtatayo ng free trade port sa Hainan, pagpapabuti ng patakaran ng pamumuhunan para sa Belt and Road, at pagpapabilis ng mga talastasan sa mga bilateral at multilateral na kasunduan sa malayang kalakalan.
Salin: Liu Kai