Ayon sa taunang Sentral na Pulong sa Gawaing Pangkabuhayan ng Tsina na ipininid kahapon, Huwebes, ika-12 ng Disyembre 2019, dapat pawiin ang kahirapan sa bansa alinsunod sa iskedyul sa taong 2020.
Ayon pa rin sa pulong, para isakatuparan ang naturang target, dapat ipauna ang pagpawi ng kahirapan sa mga lugar na labis na mahirap. Kasabay nito, dapat buuin ang mekanismo ng pagmomonitor sa kalagayan ng pagbalik sa kahirapan ng mga taong iniahon na mula sa kahirapan at paglitaw ng bagong mahihirap na tao, para magbigay-tulong sa mga ito.
Salin: Liu Kai