Idinaos mula Disyembre 10 hanggang Disyembre 11, dito sa Beijing, ang ang 2019 South-South Human Rights Forum. Nang kapanayamin ng mamamahayag ng China Media Group (CMG), sunud-sunod na ipinahayag ng mga kalahok na panauhin na natamo ang aktuwal na bunga ang usapin ng karapatang pantao sa Xinjiang. At pinapurihan nila ang hakbangin na isinasagawa ng Tsina para igarantiya ang katatagan sa Xinjiang.
Sinabi ni Halid Ikhiri, Tagapangulo ng Komisyon ng Niger sa Karapatang pantao at Dating Pangulo ng Niger, na ang terorismo ay public enemy ng lipunan ng sangkatauhan. Kailagan-kailangang ang paglaban sa terorismo sa Xinjiang.
Nabanggit ang bill hinggil sa Xinjiang na pinagtibay ng senadong Amerika, ipinahayag ni Lionel Vairon, dalubhasa ng Pransya, na ang naturang bill ay nagpakita ng diktatoryal na pakikitungo ng Amerika sa mga suliraning pandaigdig. Ang naturang bill ay katwiran ng Amerika para magpatawng presyur sa Tsina at maghadlang ng pag-unlad ng Tsina.
Ipinahayag ni Zhang Guobin, Pangalawang Punong Direktor ng Charhar Institute na kailangang makita ang katotohanan sa Xinjiang bago kondenahin ang karapatang pantao ng Xinjiang, at hindi maaaring gagawain ang walang batayan na pagbatikos.
Salin:Sarah