Sa pamamagitan ng telepono, ipinaabot ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, Disyembre 14, 2019, ang kanyang taos-pusong pagbati kay Boris Johnson, sa kanyang panunungkulan bilang Punong Ministro ng Britanya.
Ipinahayag ni Li na nitong ilang taong nakalipas, mabuti ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Britanya, at malaki ang potensyal ng kooperasyon ng dalawang panig sa iba't ibang larangan. Bilang dalawang primihang kasaping bansa ng UN Security Council at pangunahing ekonomiya sa daigdig, may epekto sa buong mundo ang relasyong Sino-Britanko, ani Li. Umaasa si Li na batay sa prinsipyo ng paggalang sa isa't isa, lalo pang patitibayin ng dalawang bansa ang pagtitiwalaang pulitikal; palalawakin ang aktuwal na pagtutulungan, para isakatuparan ang sustenable at malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa; magbigayng mas malaking ambag para mapanglagaan ang kapayapaan at katatagan ng buong daigdig; pasulungin ang multilateralismo at bukas na kabuhayang pandaigdig; at iba pa.
Salin:Sarah