|
||||||||
|
||
Ayon sa impormasyong inilabas nitong Miyerkules, Hulyo 3, 2019 ng website ng Tanggapan ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Hong Kong, nagharap na ang tanggapan nito sa Hong Kong ng solemnang representasyon sa panig Britaniko tungkol sa maling komento ng Foreign Secretary nitong si Jeremy Hunt. Ipinahayag din nito ang matinding kawalang-kasiyahan at pagtutol sa panig Britaniko hinggil dito.
Anang tanggapan, ang karahasan ay nananatiling karahasan, at ang krimen naman ay nananatiling krimen. Ito ay hinding hindi pinahihintulutan ng anumang bansa at lipunan. Dapat itong buong tatag na tutulan at buong higpit na kondenahin ng anumang taong taglay ang konsiyensiya at iginigiit ang pagpapatupad sa batas, anito pa.
Muling ipinaalam ng nasabing tanggapan sa panig Britaniko na ang Hong Kong ay nabibilang sa Tsina, at ito't isang espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina. Kasunod ng pagbalik ng Hong Kong sa inangbayan at pagtatapos ng mga gawain sa transisyonal na panahon, natupad na ang lahat ng karapatan at obligasyong may kinalaman sa Britanya na itinatadhana sa "Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Britanya." Walang anumang batayan ang lantarang pakikialam ng panig Britaniko sa mga suliranin ng Hong Kong sa katuwiran ng nasabing magkasanib na pahayag, anito pa.
Hiniling din nito sa panig Britaniko na tumpak na pakitunguhan ang katotohanan nitong 22 taon, na sapul nang bumalik ang Hong Kong sa inangbayan, iwasto ang kamalian nito, tupdin ang pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, igalang ang soberanya ng Tsina, at agarang itigil ang panghihimasok sa suliranin ng Hong Kong at suliraning panloob ng Tsina.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |