![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Madrid — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Lunes, Disyembre 16 (local time), 2019 kay Retno Lestari Priansari Marsudi, Ministrong Panlabas ng Indonesia, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang susunod na taon ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Indonesia. Dapat aniyang lagumin ng dalawang panig ang mga karanasan at pagplanuhan ang kinabukasan para ibayo pang mapalakas ang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at mas mabuting mapangalagaan ang komong kapakanan ng mga umuunlad na bansa.
Sinabi ni Wang na buong tatag na pinapalawak ng Tsina ang pagbubukas sa labas, at winiwelkam ang pagtatamasa ng iba't-ibang bansa ng pagkakataong dala ng pag-unlad ng Tsina.
Ipinahayag naman ni Retno na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina. Umaasa aniya siyang patuloy na mapapanatili ng dalawang panig ang pagpapalagayan sa iba't-ibang antas, at mapapalawak ang kooperasyong pangkabuhayan, pangkalakalan, at pampamumuhunan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |