Sa paanyaya ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia, dumating ng Jakarta ngayong hapon, Mayo 6, 2018, si Premyer Li Keqiang ng Tsina upang pasimulan ang kanyang opisyal na pagdalaw sa bansang ito.
Ipinahayag ni Premyer Li na sapul nang matagumpay na bumiyahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Indonesia noong taong 2013, natamo ng kooperasyon ng dalawang bansa ang maraming bunga sa iba't-ibang larangan. Aniya, layon ng kanyang pagdalaw na patibayin ang pagtitiwalaang pulitikal, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at palakasin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Dagdag pa niya, ang kasalukuyang taon ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng iba't-ibang bansang ASEAN na kinabibilangan ng Indonesia para mapasulong ang pagtatamo ng relasyon at kooperasyong Sino-ASEAN ng mas malaking progreso, at mapasulong ang kapayapaan, katatagan, at kaunlaran sa rehiyong ito.
Salin: Li Feng