Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Kasuklam-suklam na paninirang-puri, masamang tangka

(GMT+08:00) 2019-12-25 16:30:08       CRI

Ayon sa isang ulat na inilabas ni Peter Humphrey sa pahayagang The Sunday Times ng Britanya, nakita di-umano ng isang 6 taong gulang na batang babae mula sa Christmas card na binili niya mula sa Tesco, ang mga katagang "kami ay mga dayuhang bihag sa Qingpu Prison ng Shanghai, Tsina, at sapilitan kaming pinatatrabaho. Pakitulungan kami, at ipaalam ito sa organisasyon ng karapatang pantao." Ang pangyayaring ito ay ikinober ng maraming kanluraning media na gaya ng British Broadcasting Corporation, Sky News at iba pa, at buong tikis nilang binatikos at dinungisan ang dangal ng Tsina.

Pero ayon sa eksklusibong panayam ng China Global Television Network (CGTN) ng China Media Group (CMG) sa Zhejiang Yunguang Printing Company, tagapagsuplay ng Tesco, walang anumang relasyong pang-negosyo ang kompanyang ito sa Qingpu Prison. Ayon naman sa nakasulat na pahayag ng Tesco, walang anumang ebidensya ang nagpapakitang lumabag sila sa tadhana ng pagbabawal sa paggamit ng mga manggagawa sa bilangguan ang tagapagsuplay.

Ipinahayag din ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi pinipilit na magtrabaho ang mga dayuhang bihag sa Qingpu Prison.

Sa katunayan, si Peter Humphrey ay inaresto minsan ng panig pulisya ng Tsina, dahil sa ilegal na paraan ng pagkuha ng mga impormasyon, at nakulong na sa Qingpu Prison. Pagkaraang lumabas sa bilangguan, madalas niyang siraan ang Tsina.

Nagbulag-bulagan ang mga kanluraning media sa katotohanan, at niyurakan ang dangal Tsina sa pamamagitan ng naturang pangyayari, at ito ay taliwas sa katapatang propesyonal. Ang ganitong kasuklam-suklam na paninirang-puri ay taliwas sa katotohanan. Ang mga kanluraning media ay welkam na magtungo sa Tsina upang malaman nila ang tunay na kalagayan ng bansa.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>