Pinagtibay kamakailan ng Amerika ang National Defense Authorization Act (NDAA) sa taong 2020 na nagpasaloob ng maraming di-paborableng probisyon na nakatuon sa mga bahay-kalakal ng Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Huwebes, Disyembre 26, 2019 ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang matinding pagtutol ng panig Tsino tungkol dito. Umaasa aniya siyang ititigil ng panig Amerikano ang kamalian nito para makalikha ng mainam na kondisyon sa pagkakaroon ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa ng normal na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
Diin pa ni Gao, mahigpit na susubaybayan ng panig Tsino ang magaganap na epekto ng nasabing akto sa mga kompanyang Tsino. Isasagawa ng Tsina ang lahat ng kinakailangang hakbangin para maproteksyunan ang lehitimong karapatan at kalakalan ng mga bahay-kalakal nito.
Salin: Li Feng