Huwebes, Enero 2, 2019, nagpadala ng mensahe sa isa't isa sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Lenín Moreno ng Ecuador, bilang pagbati sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 40 taon, batay sa simulain ng pagkakapantay-pantay, mutuwal na kapakinabangan, kooperasyon, win-win na resulta, at komong kaunlaran; pinasulong ng kapuwa panig ang malusog at matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon. Nakahanda aniya siyang magsikap, kasama ni Pangulong Moreno, para mapasulong ang mas malaking pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Pangulong Moreno ang pag-asang magiging mas matibay ang relasyong pangkaibiga't pangkooperasyon ng dalawang bansa sa hinaharap, at makakagawa ng bagong ambag para sa pagpapasulong ng kabiyayaan ng kani-kanilang mga mamamayan at kasaganaan ng estado.
Salin: Vera