New York, punong himpilan ng UN-- Nagtagpo Miyerkules, Setyembre 26 (local time), 2018 sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at José Valencia, Ministrong Panlabas ng Ecuador, sa sidelines ng serye ng pulong sa mataas na antas ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN).
Ipinahayag nina Wang at Valencia ang pagpapahalaga sa pag-uunawaan at pagkakatigan ng dalawang bansa sa isa't isa, bilang komprehensibong estratehikong magkapartner. Nakahanda anila silang samantalahin ang magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI) para pabilisin ang pag-uugnay ng mga estratehiya ng dalawang bansa at galugarin ang bagong potensyal sa pagtutulungan. Kapuwa rin nila ipinahayag ang suporta sa multilateralismo.
Salin: Jade
Pulido: Rhio