Ayon sa impormasyon ng National Disaster Mitigation Agency (NDMA) ng Indonesia nitong Huwebes, Enero 2, 2020, ang malakas na ulan at baha na naganap kamakailan sa Jakarta at mga rehiyon sa paligid ay ikinamatay na ng 16 na katao, at 35,600 mamamayan ang inilikas sa kanilang tahanan.
Ang malakas na ulan sa Jakarta at mga karatig lugar ay nagsimula noong gabi ng Disyembre 31, 2019. Binaha ang ilang bahay na residensiyal at bukirin, at may baha rin sa ilang bahagi ng kalunsuran. Natigil ang daloy ng trapiko sa mga lansangan at nawalan ng koryente sa ilang lugar.
Sa kasalukuyan, abalang-abala ang mga rescue team na binubuo ng NDMA, mga sundalo't pulis, boluntaryo, at kaukulang departamento ng pamahalaan sa paglilikas at pagbibigay-tulong sa mga apektadong mamamayan.
Salin: Vera