Sa paanyaya ng pamahalaan ng Indonesya, mula ika-18 hanggang ika-21 ng Oktubre, bumisita sa Jakarta, Indonesya si Wang Qishan, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangalawang Pangulo ng bansa, para dumalo sa seremonya ng inagurasyon ni Pangulong Joko Widodo, at magsagawa ng dalaw-pang-kaibigan sa bansa.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Joko Widodo, inihayag ni Wang ang pagbati at pangungumusta ni Pangulong Xi Jinping sa muling niyang pagkahalal bilang pangulo ng bansa. Aniya, hinahangaan ng panig Tsino ang ginawang pagsisikap ni Widodo para sa pagpapasulong ng komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Indonesya. Aktibo rin aniyang kinakatigan ng Tsina ang sinerhiya ng Belt and Road Initiative at estratehiyang pangkaunlaran ng Indonesia.
Saad naman ni Pangulong Widodo, nakahanda ang kanyang bagong pamahalaan na ibayo pang patibayin ang komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa, pasulungin ang sinerhiya ng kaisipan ng "Global Maritime Fulcrum" at Belt and Road Initative, at palakasin ang pakikipagkooperasyon sa panig Tsino sa regional economic corridor.
Kinatagpo naman si Wang nina Muhammad Jusuf Kalla, Pangalawang Pangulo ng Indonesya, at Ma' ruf Amin, bagong halal na Pangalawang Pangulo ng bansa.
Slain: Vera