Media Center Hotel, Beijing — Pinasinayaan Martes, Enero 14, 2020 ang seremonya ng pagsisimula ng paggamit ng panibagong teknolohiyang "5G+8K/4K/VR" sa gagawing Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG). Dumalo sa seremonya sina Shen Haixiong, Pangalawang Ministro ng Publisidad ng Tsina, at Presidente ng CMG, at mga opisyal mula sa Ministri ng Siyensiya't Teknolohiya, Ministri ng Industriya at Teknolohiyang Pang-impormasyon, National Radio and Television Administration, mga namamahalang tauhan ng tatlong pinakamalaking operator at Huawei Company ng bansa, at mga kinatawan mula sa mga media.
Ayon sa salaysay, saklaw na ng 5G network ang main venue at parallel sessions ng nasabing gala. Sa panahong iyon, gagamitin ng CMG ang teknolohiya ng 5G+8K para maisakatuparan ang multi-camera shooting at gawin ang Spring Festival Gala sa 8K version.
Salin: Li Feng