Dumating ngayong tanghali, Biyernes, ika-17 ng Enero 2020, sa Nay Pyi Taw, Myanmar, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa bansang ito.
Sa paliparan, sinalubong si Xi ni Unang Pangalawang Pangulong Myint Swe ng Myanmar at iba pang mga mataas na opisyal ng bansang ito.
Sinabi ni Xi, na nitong 70 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Myanmar, walang humpay na nagtatamo ng bagong bunga ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan. Ipinahayag din niya ang pag-asang sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, palalakasin ang komprehensibo at estratehikong kooperasyon ng Tsina at Myanmar, at tataas sa bagong antas at papasok sa bagong panahon ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai