|
||||||||
|
||
Nay Pyi Taw — Nitong Biyernes ng gabi, Enero 17 (local time), 2020, dumalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Myanmar at seremonya ng pagsisimula ng Taon ng Turismong Pangkultura ng dalawang bansa. Dumalo rito sina Pangulong Win Myint, State Counselor Aung San Suu Kyi, at mga iba pang opisyal ng Myanmar.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Win Myint na nitong 70 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Myanmar, mahigpit at mapagkaibigan ang pagdadalawan ng mga lider ng dalawang bansa. Aniya, ang prinsipyo ng limang simulain ng mapayapang pakikipamuhayan na itinataguyod ng dalawang bansa ay nagsisilbing pundamental na norma ng relasyong pandaigdig. Patuloy na magsisikap ang kanyang bansa para mapalalim pa ang kooperasyong pangkaibigan ng Myanmar at Tsina sa iba't-ibang larangan, dagdag niya.
Ipinahayag din ni Aung San Suu Kyi na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaan ng Myanmar ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan sa Tsina. Aniya, aktibong kinakatigan at nilalahukan ng Myanmar ang inisyatibang "Belt and Road," at inaasahang matatamo ng China-Myanmar Economic Corridor (CMEC) ang mas maraming bunga.
Sa kanya namang talumpati, tinukoy ni Pangulong Xi na sa pamamagitan ng serye ng aktibidad ng selebrasyon at Taon ng Turismong Pangkultura, dapat palalimin ng dalawang bansa ang pagpapalitang pangkultura para mapatibay ang panlipunang pundasyon ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Diin ni Xi, dapat isakatuparan ng dalawang panig ang pagtatatag ng Komunidad ng Pinagbabahaginang Kapalaran ng Tsina at Myanmar, at ipauna ang pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa para mapatibay ang pagtitiwalaang pulitikal at mapalawak ang pragmatikong kooperasyon.
Dagdag pa ni Xi, nakahanda ang Tsina na sa prinsipyo ng limang simulain ng mapayapang pakikipamuhayan, magsikap kasama ng Myanmar para maitatag ang modelo ng pagpapalitan sa pagitan ng mga bansa, at mapasulong ang magkakasamang pagtatatag ng Komunidad ng Pinagbabahaginang Kapalaran ng Buong Sangkatauhan na sumasaklaw sa buong daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |