Inilabas ngayong araw, Huwebes, Enero 16, 2020 sa mga pahayagang Myanmar Alin Daily, Global New Light of Myanmar, at Kyemon ng Myanmar ang may lagdang artikulo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sa nasabing artikulong pinamagatang "Pagpapatuloy ng Bagong Kabanata ng Sanlibong Taong Pagkakaibigan," ipinahayag ni Xi ang kahandaang magkakapit-bisig na magsikap ang Tsina, kasama ng mga kaibigan sa Myanmar, para mapasulong ang pagtatatag ng mas mahigpit na community with a shared future ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Xi na dapat gawaing pagkakataon ang ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng kapuwa panig, ibayo pang palakasin ang estratehikong pag-uugnayan, palalimin ang pagpapalitang pangkabuhaya't pangkalakalan, pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyo't pandaigdig, at pasulungin ang relasyong Sino-Myanmar sa bagong panahon.
Mula Enero 17 hanggang Enero 18, isasagawa ni Xi ang dalaw-pang-estado sa Myanmar. Ito ang kanyang kauna-unahang pagdalaw sa ibayong dagat sa kasalukuyang taon.
Salin: Vera