|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtagpo Enero 17, 2020, sa Nay Pyi Daw ng Nyanmar, kay Pangulong U Win Myint ng Myanmar, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pag-asang maipaparumdam ang 3 mensahe sa pamamagitan ng kanyang pagdalaw sa Myanmar.
Kabilang sa naturang 3 mensahe ay : Una, buong tatag na sinusuportahan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang Myanmar sa pagtahak nito sa landas ng pag-unlad na angkop sa sarili at walang humpay na pagpapasulong sa pag-unlad ng bansa.
Ikalawa, pagpapabuti ng malalim na pundasyon ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Myanmar. Ang magkakasamang pagsisikap ng dalawang bansa para sa pinagbabahaginang kinabukasan ay tiyak na magdudulot ng bagong puwersa para sa relasyon ng dalawang panig, ani Xi.
Ikatlo, nakahanda ang Tsina na aktibong pasulungin ang aktuwal na pakikipagkooperasyon sa Myanmar, palakasin ang pag-uugnay ng Belt and Road Initiative (BRI) at estratehiya ng Myanmar sa pag-unlad, para magdulot ng mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ang naturang pakikitungo ay nagpakita ng suporta ng Tsina sa Myanmar, at nagdulot ng bagong katuturan para sa "Paukphaw" (fraternal) friendship ng dalawang bansa sa bagong dekada.
Ang taong ito ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Myanmar. Mayroong malalim na pagkakaibigan ang dalawang bansa mula pa noong sinaunang panahon. Sa pagdalaw na ito, ipinahayag din ng Myanmar ang mithiin sa magkasamang pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan kasama ng Tsina.
Sa bagong dekada, tiyak na maipapakita ng bagong puwersa ang tradisyonal na Paukphaw ng Tsina at Myanmar, tungo sa pagdudulot ng mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at magpapasulong ng kapyapaan at kaunlaran ng buong daigdig.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |