Nay Pyi Taw — Sa kanyang pakikipag-usap Sabado ng umaga, Enero 18 (local time), 2020 kay State Counselor Aung San Suu Kyi ng Myanmar, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa kasalukuyan, kapwang nakapasok ang Tsina at Myanmar sa bagong yugto ng pag-unlad ng bansa, at kinakaharap ng bilateral na relasyon ang bagong pagkakataon ng pag-unlad. Aniya, ipinasiya ng dalawang panig na magkasamang itatag ang Komunidad ng Pinagbabahaginang Kapalaran ng Tsina at Myanmar para pasimulan ang bagong siglo ng kanilang bilateral na relasyon.
Kaugnay nito, iniharap ni Pangulong Xi ang apat na mungkahing kinabibilangan ng una, dapat pabilisin ang koneksyon ng estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang panig, at itatag nang mabuti ang China-Myanmar Economic Corridor (CMEC); ikalawa, dapat ipokus ng dalawang panig ang mga pangunahing proyekto, at palakasin ang konektibidad; ikatlo, dapat palawakin ang kalakalan at pamumuhunan ng dalawang bansa, at palalimin ang kooperasyong lokal; ikaapat, dapat palalimin ang pagpapalitang pangkultura, at pasulungin ang koneksyon ng mga puso ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Aung San Suu Kyi na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagkakaibigang Myanmar-Sino. Aniya, malaking bunga ang natamo ng biyaheng ito ni Xi na makakapagpalalim nang malaki sa pagkakaibigan, at makakapagpasulong sa pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa. Nakahanda ang Myanmar na magsikap kasama ng Tsina para magkasamang itatag ang Komunidad ng Pinagbabahaginang Kapalaran ng Myanmar at Tsina at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang dumalo ang dalawang lider sa seremonya ng paglalagda sa mga dokumento ng bilateral na kooperasyon na may kaugnayan sa pulitika, kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan, at kultura.
Salin: Li Feng