Hanggang alas-24:00 ng Martes, Enero 21, 440 kumpirmadong kaso ng pagkahawa ng coronavirus ang naitala sa Tsina, at siyam ang nasawi. Kasabay nito, kumpirmado ang kaso mula sa Hapon, tatlo mula sa Thailand, at isa mula sa Timog Korea.
Ito ang inilabas ng National Health Committee (NHC) ng Tsina, sa preskon ngayong araw, Enero 22.
Ayon sa NHC, bilang tugon sa epidemiya, kapuwa ipinalabas nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang kautusan. Naitatag din ang pambansang sistema ng pagpigil at pagkontrol sa pagkalat ng sakit. Kasabay nito, buong higpit na nakikipagtulungan ang Tsina sa World Health Organization (WHO), mga may kinalamang bansa at dalubhasa kaugnay ng pagbabahagi ng impormasyon at pagsasagawa ng siyentipikong pagtasa.
Ang misteryosong pneumonia ay unang iniulat sa Wuhan, punong-lunsod ng lalawigang Hubei sa sentral na Tsina, noong Disyembre, 2019. Pagkatapos, kumalat ang virus sa buong Tsina at sa labas ng bansa. Hanggang sa kasalukuyan, kumpirmado ang paghawa ng tao sa tao, at may potensyal ang virus na magbago o mag-mutate.
Salin: Jade
Pulido: Mac