Kasiya-siyang natapos nitong Martes, Enero 21, 2020 ang magkakasanib na pamamatrolya at pagpapatupad ng batas ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand sa Mekong River.
Tumagal ng 6 araw at 5 gabi ang naturang magkakasanib na aksyon, at 748 kilometro ang kabuuang haba ng paglalayag. Ipinadala ng 4 na bansa ang 6 na bapor, at 129 na tauhan ng pagpapatupad ng batas.
Sa katatapos na biyahe, isinagawa ng 4 na panig ang mga aktibidad ng magkakasanib na pagtunton sa lupa't ilog, magkakasanib na pagsasanay ng pambapor, pagpapalaganap ng mga kaalaman hinggil sa pagbabawal sa droga at iba pa, sa Golden Triangle ng Mekong River, Xiang Kok ng Laos at iba pang rehiyon.
Salin: Vera