Ipinahayag sa Beijing nitong Biyernes, Enero 17, 2020 ni Tagapagsalita Wang Chunying ng State Administration of Foreign Exchange (SAFE) ng Tsina, na noong isang taon, lumakas ang pleksibilidad ng exchange rate ng RMB at naging matatag ito. Bukod dito, matatag sa kabuuan ang paggalaw ng mga transnasyonal na pondong Tsino, at balanse ang pagsuplay at pangangailangan ng foreign exchange market sa bansa, ani Wang.
Inamin din ni Wang na bagama't umiiral pa rin ang mga di-matatag at di-matiyak na elemento sa kapaligirang panlabas sa taong 2020, patuloy na mapapatingkad ng pambansang kabuhayan, polisiya, at merkado ng bansa ang namumunong papel sa pagpapatatag ng foreign exchange market.
Salin: Li Feng