Noong isang taon, pormal na naisaoperasyon sa Xinjiang ang China-standard bullet trains, o electric multiple unit (EMU). Sa panahon ng Spring Festival travel rush, sumakay, sa unang pagkakataon ang mga pasahero sa China-standard EMU pauwi ng kanilang probinsya.
Ayon sa pagtaya ng departamento ng daam-bakal ng Xinjiang, sa panahong iyon, lalampas sa isang milyon ang bilang ng mga pasaherong sasakay ng nasabing bullet train. Ito ay para magkaroon sila ng isang mas mabilis at masayang biyahe pauwi.
Salin: Li Feng