|
||||||||
|
||
Ipinalabas kamakailan ng "New York Times" ang artikulong nagsasabing isinasagawa ng pamahalaang lokal ng Xinjiang ng Tsina ang umano'y "pagbabagong propresyonal," at "sapilitang" pinapagtrabaho ang mga mamamayan ng pambansang minoriyang tulad ng Ugyur. Kulang sa pundamental na kaalaman ang nasabing paratang, nagpikit ng mata sa pundamental na katotohanan, at nagiging lantarang pagdungis sa karaniwang gawain ng pamahalaang lokal sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap sa lokalidad.
Lubos na nagpapatunay na ang pagbibigay-tulong sa mahihirap sa pamamagitan ng pagpapasulong ng paghahanap-buhay ay nakakapagpabuti sa kalidad ng pamumuhay sa Xinjiang, mabisa nitong pinipigil ang ekstrimistang kaisipan, at nangangalaga sa kasaganaan at katatagan ng Xinjiang. Ngunit, dahil sa malalim na ideolohiya ng kontra-Tsina, paulit-ulit na magkasalungat ang ilang media ng kanluran sa obdiyektibo at pantay na kilos ng pamamahayag, at parang gumawa ng nobela, sinisiraan ang pangangasiwa ng pamahalaang Tsino sa Xinjiang. Nagtatangka silang pukawin ang kontradikasyon sa pagitan ng pambansang minoriya ng Xinjiang at pamahalaang sentral.
Ngunit, di-puwedeng matakpan ang katotohanan. Sa kasalukuyang taon, maisasakatuparan ng Xinjiang, kasama ng iba pang mga lugar ng Tsina, ang hangrin ng komprehensibong pagpawi ng karalitaan at tatahak sa mas masagana at matatag na landas.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |