|
||||||||
|
||
Naganap kamakailan sa Wuhan, Lalawigang Hubei ng Tsina ang epidemiya ng coronavirus, at lumitaw ang tunguhin ng malawakang pagkalat.
Ayon sa datos na inilabas ng panig opisyal ng Tsina, hanggang alas dose ng madaling araw ng Miyerkules, Enero 22, 2020, 574 na ang kumpirmadong kaso ng pagkahawa sa Tsina, at 17 ang nasawi.
Kasabay nito, kumpirmado na rin ang anim na kaso sa labas ng bansa, na kinabibilangan ng Hapon, Timog Korea, Thailand, Estados Unidos.
Upang mapangalagaan ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan, napapanahong hayagan at maliwanag na isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Pinapalakas din nito ang kooperasyong pandaigdig, at mahinahong hinaharap ang hamon, bagay na nagpapakita ng lubos na responsibilidad ng Tsina sa kalusugang pampubliko sa loob ng bansa at kaligtasang pangkalusugan ng buong mundo.
Ang misteryosong pneumonia ay unang iniulat sa Wuhan, noong Disyembre 30, 2019.
Ipinadala agad ng pamahalaang Tsino ang mga tauhan para pigilan at puksain ang epidemiya sa lokalidad.
Pagkatapos ng mahigit isang linggo, mabilis na nakumpirma ang uri ng virus.
Hayagan at maliwanag ang pagpapalabas ng bansa ng mga impormasyong may kinalaman sa epidemiya.
Mahigpit itong nakipag-ugnayan sa World Health Organization (WHO), at napapanahong ipinaalam sa mga kaukulang bansa at Hong Kong, Macao at Taiwan, ang impormasyon hinggil sa epidemiya.
Ipinalalagay ni Eric Rubin, Direktor ng Departamento ng Nakahahawang Sakit ng Harvard Medical School na dahil sa paraan ng paghawak ng pamahalaang Tsino sa epidemiya, maaari itong bigyan ng napakalaking tiwala.
Aniya, ang pagsasapubliko ng Tsina sa mga nakuhang impormasyon ay makakatulong sa pananaliksik ng daigdig sa ganitong uri ng sakit.
Ang iba't ibang nakahahawang sakit na dulot ng virus, germs o parasite ay naging mabigat na balakid sa kalusugang pampubliko na kinakaharap ng lipunan ng sangkatauhan.
Kasabay nito, walang humpay rin nitong palalakasin ang kakayahan ng sangkatauhan sa pagharap sa pagkalat ng mga nakahahawang sakit.
Sapul nang sumiklab ang epidemiya ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS), binuo ng Tsina ang medyo kompletong sistema sa pagpigil at pagkontrol sa mga biglaan at bagong nakahahawang sakit. Batay sa karanasang nakuha sa mga praktika ng pagharap sa mga mabigat at biglaang pangyayari hinggil sa kalusugang pampubliko, gaya ng H1N1 flu, buong lakas na suporta ng mga mamamayang Tsino, at bukas na pagpapalita't pagtutulungang pandaigdig, may kompiyansa't kakayahan ang pamahalaan at mga mamamayang Tsino na mapagtatagumpayan ang naturang epidemiya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |