|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng pamahalaan ng Tsina, hanggang alas-20:00 ng Martes, Enero 21, 574 na kumpirmadong kaso ng pagkahawa ng coronavirus ang naitala sa Tsina, at siyam ang nasawi. Kasabay nito, kumpirmado na rin ang anim na kaso sa labas ng bansa, na kinabibilangan ng Hapon, Timog Korea, Thailand, Estados Unidos.
Ayon sa pahayag ng Pneumonia Epidemic Control Headquarters ng Wuhan, lunsod sa gitnang Tsina, na pinaniniwalaang pinagmulan ng bagong coronavirus, simula alas 10:00 ngayong umaga, Enero 23, pasasarhan ng lunsod ang lahat ng transportasyong pampubliko palabas na kinabibilangan ng mga flight at tren.
Kasalukuyang buong-higpit na nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan ang pamahalaang Tsino sa World Health Organization (WHO), may kinalamang bansa at mga dalubhasa para ibahagi ang impormasyon at mabisang tugunan ang epidemiya. Kinilala ito ni Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesu ng WHO.
Ipinatalastas ng WHO na magpapasiya ang organisasyon ngayong araw kung itatakda ang bagong coronavirus bilang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC).
Ang misteryosong pneumonia ay unang iniulat sa Wuhan, punong-lunsod ng lalawigang Hubei , noong Disyembre, 2019. Pagkatapos, kumalat ang virus sa loob at labas ng bansa. Hanggang sa kasalukuyan, kumpirmadong maaaring maikalat ang virus sa pamamagitan ng tao sa tao, at may potensyal itong magbago o mag-mutate.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |