![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Pagkatapos ng 10 araw na konstruksyon, sinimulan Lunes, Pebrero 3, 2020 ng bagong tatag na Huoshenshan Hospital sa Wuhan, ang pagtanggap ng mga nahawahan ng novel coronavirus (2019-nCov).
Nasa balikat ng 1,400 tauhang medikal mula sa People's Liberation Army (PLA) ang tungkulin ng panggagamot sa mga pasyente.
May 1,000 higaan ang Huoshenshan Hospital, at ang mga ito ay para sa mga kumpirmadong kaso ng novel coronavirus.
Kahit pansamantalang ospital, mga modernong teknolohiya at kasangkapan ang ginagamit ng nasabing ospital para makapagbigay ng mabuti at ligtas na kondisyon sa mga tauhang medikal at maysakit.
Nagsimula ang konstruksyon ng Huoshenshan Hospital noong Enero 23, at 10 araw lamang ang kinailangan upang matapos ito.
Para naman sa Leishanshan Hospital, isa pang pansamantalang ospital sa Wuhan, sa loob lamang ng 5 araw, 60% na itong kumpleto.
Ang lunsod ng Wuhan sa Lalawigang Hubei ng Tsina ay ang episentro ng epidemiya ng novel coronavirus.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |