Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pinoy scholars sa Beijing at Tianjin, ligtas sa nCoV

(GMT+08:00) 2020-02-01 17:50:05       CRI

Ayon sa datos kaugnay ng epidemyang dulot ng novel coronavirus ngayong araw, Pebrero 1, 2019, ang Beijing may ay 156 na kumpirmadong kaso, 5 gumaling at 1 namatay.

Sa panayam ng China Media Group Filipino Service kay Ramil Santos, doctorate student mula sa BeiHang University, ngayong araw ay dinalaw ng mga opisyal ang mga international students upang alamin ang kanilang kalagayan. Nagbigay rin ang pamantasan ng ilang daily necessities gaya ng maskara, tubig at pagkain. At higit sa lahat, maagang nakuha ng mga estudyante ang kanilang monthly allowance. Ipinatutupad din sa BeiHang ang mahigpit na seguridad at ipinagbabawal ang pagpasok ng mga hindi mag-aaral.

Ramil Santos

Ayon naman kay Ruth Jane Realubit, scholar ng University of International  Business and Economics (UIBE), sinabi niyang wala pang kaso ng nCoV o pinagsusupetsahang may sakit na estudyante sa kanyang pamantasan. Ipinatutupad sa kasalukuyan ng UIBE ang mahigpit na prevention and control regulations alinsunod sa kautusan ng pamahalaan. Ayon pa kay Realubit, kinukunan sila ng temperatura dalawang beses isang araw. Hands-on aniya pa ang mga guro at opisyal ng UIBE sa pagmo-monitor ng kalagayan ng mga estudyante. Isang bagay na ipinag-aalala ni Realubit ay ang kakulangan ng mabibiling bigas, gulay at prutas sa loob ng eskwelahan dahil bawal na silang lumabas ng campus.

Ruth Jane Realubit ng UIBE (Ika-2 sa kaliwa)  

Samantala, sa karatig lunsod ng Tianjin, ibinahagi ni Justine Orduña, kumukuha ng Masters of International Affairs and Public Policy sa Zhou Enlai School of Government, Nankai University, malabong magbukas ang klase ngayong Pebrero. Nagbigay ang pamantasan ng temporary residence ID at tanging ang mga mayhawak nito ang maaring manatili sa campus.  Pinakamalaking concern ni Orduna ngayon ang kanyang visa na mapapaso sa Marso. Sinuguro naman ng kanyang guro na ito ay aayusin sa katapusan ng buwang ito. Naka-total lockdown din ang Nankai University gaya ng ibang universities.

Si Justine Orduña

Napag-alaman ng China Media Group na extended indefinitely o pahahabain ang Spring vacation at hindi pa tukoy ang petsa ng muling pagbubukas ng nasabing mga pamantasahan.

Ulat: Mac
Web-edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>