|
||||||||
|
||
Ipinahayag Pebrero 3,2020, ni Lian Weiliang, Pangalawang Puno ng Pambansang Komisyon ng Tsina sa Pag-unlad at Reporma na, ang impluwensiya ng novel corona virus (2019-nCov) sa kabuhayang Tsino, ay depende sa progreso at epekto ng pagkontrol sa epidemya.
Pansamantala ang epektong ito, at hindi nito kayang babaguhin ang tunguhin ng pagbuti ng kabuhayang Tsino sa mahabang panahon, dagdag niya.
Sa news briefing na idinaos nang araw rin iyon, sinabi ni Lian na kumpara sa epidemiya ng SARS noong 2003, mas malakas ngayon ang kakayahan ng Tsina sa pagharap sa pangkagipitang sakuna.
May lubos na kompiyansa ang Tsina na mapagtatagumpayan nito anglaban sa epidemiya, at pababain ang negatibong epekto ng epidemya sa kabuhayan ng bansa.
Isinalaysay ni Lian na sa kasalukuyan, ipinalabas na ng mga kinauukulang departamentong Tsino ang hakbangin sa larangang pangkabuhayan, at sunud-sunod na isasagawa ang mga aktibong aksyon sa hinaharap.
Salin: Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |