|
||||||||
|
||
Ipinahayag Pebrero 3, 2020, dito sa Beijing, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang kalusugan ng mga personaheng dayuhan sa bansa, partikular na, ang mga dayuhan sa Wuhan. Isinasagawa aniya ng Tsina ang mga aktibong hakbangin, para matugunan ang mga makatuwirang pangangailangan at kahilingan ng mga dayuhan.
May kompiyansa aniya ang Tsina na mapagtatagumpayan nito ang laban sa novel corona virus (2019-nCov).
Diin niya, patuloy na nakikipagkooperasyon ang Tsina sa komunidad ng daigdig, para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino at mga personaheng dayuhan sa Tsina.
Samantala, sa news briefing na idinaos nang araw rin iyon, isinalaysay ni Hua na, ipinalabas na ang feature webpage hinggil sa epidemya ng 2019-nCov sa opisyal na English website ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Bukod dito, isinagawa na rin aniya ng iba't ibang lugar ng bansa ang aksyon para tulungnan ang mga personaheng dayuhan.
Saad niya, sa lalawigang Hubei, itinayo ang 24 hour na telephone hotline (027-87122256) para magkaloob ng tulong, partikular na, sa mga personaheng dayuhan sa Hubei.
Isiniwalat din niya na hanggang Pebrero 2, 2020, 16 na dayuhan sa Tsina ang nahawahan ng 2019-nCov.
Gumaling na ang dalawa, at nasa matatag namang kalagayan ang 14 na iba pa. Tinukoy niya na episyente ang hakbangin na isinasagawa ng Tsina, at hindi kailangang matakot ang mga kaibigang dayuhang nasa bansa.
Salin: Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |