Nag-usap sa telepono ngayong araw sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Ursula von der Leyen, Pangulo ng Unyong Europeo (EU).
Tinukoy ni Li na priyoridad ng pamahalaang Tsina ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan. Sa kasalukuyan, maayos na isinasagawa ng Tsina ang gawain ng paglaban sa epidemya, na katuon ngayon ang buong lakas at atansyon sa pagpigil ng paglaganap ng epidemya at paggagamot ng mga may-sakit, at paggarantiya sa normal na kaayusan ng pamumuhay ng lahat ng mamamayang Tsino sa loob at labas ng bansa. Ang pamahalaang Tsino at mga mamamayan ay mayroong kompiyansa, determinasyon at kakayahan na matatamo ang tagumpay sa bandang huli.
Salin: Lito