|
||||||||
|
||
Ipinahayag Pebrero 3, 2020, dito sa Beijing, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang kanyang bansa na tatratuhin ng komunidad ng daigdig ang kasalukuyang epidemya ng 2019-nCov sa rasyonal na paraan at gagawain ang angkop na reaksyon.
Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na makipagkooperasyon sa iba't ibang bansa, batay sa bukas at responsableng atityud, para mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayang Tsino, at magbigay ng ambag para sa kalusugang pampubliko ng rehiying ito at buong daigdig.
Ipinahayag ni Hua na kamakailan, ipinalabas ng media ng ilang bansa ang di-makatuwirang pananalita, at buong lakas itong tinututulan ng Tsina.
Pinasalamatan naman ni Hua ang tulong na ipinagkaloob ng ibang mga bansa at ornigasyon.
Tinukoy din niya na hanggang ngayon, wala pang natatanggap na anumang tulong ang Tsina mula sa Amerika.
Salin: Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |