Lubos na pinapurihan Pebrero 4, 2020, ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), ang pagsisikap ng Tsina laban sa novel coro virus (2019-nCov). Nanawagan din siya na dapat magkaisa ang komunidad ng daigdig at iwasan ang diskriminasyon.
Sinabi niya na sa harap ng epidemiya, may mga taong pakikitunguhan ang isyu sa di-obdiyektibong pakikitungo.
Dapat iwasan ang diskriminasyong ito, mariin niyang pahayag.
Nanawagan din siya na dapat magkaisa ang komunidad ng daigdig, malakas na suportahan ang Tsina at ibang bansa na naapektuhan ng epidemya, at iwasan ang istigmatisasyon ng mga inosenteng tao, at mga biktima ng epidemya.
Salin: Sarah