|
||||||||
|
||
Ipinanawagan ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa komunidad ng daigdig ang magkakasamang pagsisikap para matugunan ang epidemiya ng novel coronavirus (2019-nCoV), na siya na ngayong public health emergency of international concern (PHEIC).
Sa regular na preskon nitong Martes, Pebrero 4, sinabi ni Hua na layon ng pagtatakda ng epidemiya ng 2019-nCov bilang PHEIC na tulungan ang mga bansa na may mahinang sistemang pangkalusugan para magkaroon ng kakailanganing tulong pandaigdig.
Hindi inaprubahan, at higit pa tinututulan ng WHO ang restriksyong panturismo at pangkalakalan laban sa Tsina.
Hiniling ni Hua sa mga may kinalamang bansa na sundin ang mungkahi ng WHO para maiwasang maapektuhan ang normal na pagpapalitan ng mga tao.
Sa ika-146 na WHO Executive Board Meeting nitong Lunes, ipinagdiinan ni Director-General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, na kailangan ang pag-iingat pero di kailangan ang labis na reaksyon.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |