|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Luca Ferrari, Embahador ng Italya sa Tsina, na batay sa aplikasyon ng mga airline company ng Tsina, aaprobahan sa lalong madaling panahon ng Italya ang paglipad ng ilang commercial airlines sa pagitan ng dalawang bansa.
Ito ang isiniwalat kahapon, Biyernes, ika-7 ng Pebrero 2020, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Isinalaysay ni Hua, na pagkaraang sumiklab ang epidemiya ng novel coronavirus, unilateral na sinuspendi ng Italya ang mga direct flight papunta at paalis ng Tsina. Aniya, nagdulot ito ng kawalang kaginhawahan sa paglalakbay ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Batay sa kahilingan ng panig Tsino at mungkahi ng World Health Organization, ipinasiya ng Italya na ipawalang-bisa ang naturang hakbangin, dagdag ni Hua.
Salin: Frank
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |