Sa pamamagitan ng social media, nagpahayag nitong Linggo, Pebrero 9, 2020 ng paggalang si Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), sa mga doktor at nars ng Tsina na nagpupunyagi para puksain ang epidemiya ng novel coronavirus pneumonia (NCP).
Aniya, pinasasalamatan ng buong mundo ang ginagawang pagsisikap nila para sa paghanap ng pinakamagandang lunas at pagpigil sa pagkalat ng epidemiya. Diin ni Ghebreyesus, isinasagawa ng mga dalubhasang medikal at siyentipiko ang transnasyonal na kooperasyon, upang harapin ang novel coronavirus, sa pamamagitan ng tulong ng mga datos.
Mula ika-11 hanggang ika-12 ng Pebrero, itataguyod sa Geneva ng WHO ang pandaigdigang porum sa pananaliksik at inobasyon na makakatuon sa novel coronavirus.
Salin: Vera